^

PSN Palaro

TNT, SMB kakatawan sa PBA sa EASL tourney

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling maglalaro ang TNT Tropang Giga at San Miguel sa East Asia Super League (EASL) sa ikalawang pagkakataon.

Ang Tropang Giga at Beermen ang kakatawan sa PBA sa nasabing torneo na bubuksan sa Oktubre matapos umabante sa Finals ng 2022 Philippine Cup.

Nauna nang sumalang ang TNT at SMB sa EASL Terrific 12 tournament noong 2019 kasama ang Blackwater.

Sa nasabing torneo ay nasibak ang Tropang Giga, habang umusad ang Beermen sa semifinals ngunit natalo sa nagkampeong Liaoning Flying Leopards.

Ang magwawagi sa All-Filipino championship series ng TNT at SMB ang ilalagay sa Group A kasama ang Anyang KGC, Ryukyu Golden Kings at Taipei Fubon Braves.

Ipaparada ng Anyang KGC si NCAA Rookie-MVP Rhenz Abando na dating naglaro para sa Letran Knights at sa Gilas Pilipinas.

Ipapasok naman sa Group B ang magiging runner up kasama ang Seoul SK Knights, Utsunomiya Brex at Bay Area Dragons sa inaugural home-and-away tournament.

Didribol ang EASL Season 1 sa Oktubre 12 tampok ang tig-isang laban sa Manila at Seoul, Korea.

Ang Philippine Cup runner up ang sasagupa sa Dragons sa laro sa Manila na pagdarausan din ng EASL Final Four sa Marso 3-5 ng 2023.

EASL

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with