^

PSN Palaro

Vucinic lumayas na rin sa SBP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalagasan na naman ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng isang miyembro ng coaching staff matapos magbitiw sa puwesto si Serbian-Kiwi mentor Nenad Vucinic.

Si Vucinic ang ikalawang foreign mentor na lumayas sa Gilas Pilipinas basketball program matapos unang mag-resign si Tab Baldwin.

Ayon sa mga naglabasang ulat, nagpaalam na si Vucinic kay SBP chairman emeritus Manny V, Pa­ngilinan noong nakaraang linggo upang lisanin na ang Gilas Pilipinas.

Isa si Vucinic sa mi­yembro ng Gilas Pilipinas coaching staff na naghahanda para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makailang ulit na­ging interim head coach si Vucinic ng Gilas Pilipinas par­tikular na noong third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Bukod sa Gilas Pilipinas coaching, lilisanin na rin ni Vucinic ang Meralco Bolts kung saan kasama rin ito sa coaching staff ng tropa sa PBA.

Nagsilbi si Vucinic na consultant ng Bolts na hinahawakan ni veteran mentor Norman Black.

Tuluyan nang nasibak ang Meralco matapos yumuko sa San Miguel Beer sa do-or-die ng kanilang semifinal match sa PBA Philippine Cup noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Kasamang lilisanin ni Vucinic ang many-time champion San Beda University kung saan consultant din ito ng Red Lions sa NCAA.

Wala pang opisyal na statement si Vucinic sa kanyang paglisan sa basketball program ng Pilipinas.

vuukle comment

FIBA

SBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with