^

PSN Palaro

EASL Final Four sa Manila lalaruin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
EASL Final Four sa Manila lalaruin
Ito ang inanunsiyo ng pamunuan ng EASL kung saan napili ang Maynila bilang venue ng semis.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa Maynila idaraos ang Final Four round ng East Asia Super League (EASL) Season 1 sa Marso.

Ito ang inanunsiyo ng pamunuan ng EASL kung saan napili ang Maynila bilang venue ng semis.

Nakatakda ang Final Four sa Marso 3 habang may music festival sa Marso 4 at gaganapin naman ang Finals sa Marso 5.

“The Final Four weekend will be unique and memorable, bigger than any event EASL has ever held, featuring a music festival and a variety of fan activations,” ani EASL CEO Matt Beyer.

Nais ng EASL na magsilbi itong warmup event bago ang FIBA World Cup hosting ng Pilipinas, Indonesia at Japan, sa Agosto sa susunod na taon.

“The decision to stage the inaugural EASL Final Four in Manila this March is a welcome development. The Philippines is a basketball-loving country and Filipino fans will be following the EASL games closely,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Sinabi ni Marcial na bukas na bukas ang Pilipinas para sa EASL. Magsisimula ito sa Oktubre 12.

Kumpirmado na ang partisipasyon ng Talk ’N Text sa EASL habang ang reigning champion Seoul SK Knights at runner-up Anyang KGC ang magi­ging kinatawan ng Korean Basketball League (KBL).

Sasabak naman ang Taipei Fubon Braves ng P. League gayundin ang Utsonomiya Brex at Ryukyu Golden Kings ng Japan B.League, at ang Bay Area Dragons ng China.

EASL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with