^

PSN Palaro

Skippers, Archers magtutuos sa Aspirants’ Cup Finals Laro sa Linggo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Skippers, Archers magtutuos sa Aspirantsâ Cup Finals Laro sa Linggo
Bumali si Juan Gomez de Liaño ng Marinerong Pilipino laban sa isang Apex Fuel-SSC defende
STAR/ File

MANILA, Philippines — Itinakda ng Marinerong Pilipino at EcoOil-La Salle ang kanilang best-of-three championship series matapos manaig sa dalawang ‘do-or-die’ games ng 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Sinibak ng Skippers ang Apex Fuel-San Sebastian Golden Stags, 69-64  at pinatalsik ng Green Archers ang Adalem Construction-St. Clare Saints, 97-74, sa ‘sudden death’ Game Three ng kani-kanilang semifinals duel kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Marinero at EcoOil-La Salle ang kanilang mga semis wars sa 2-1.

Ang Game One ng Aspirants’ Cup Finals ay nakatakda sa Linggo sa Big Dome.

Humataw si Juan Gomez de Liaño ng walong puntos sa huling tatlong minuto ng fourth period para sa 66-62 abante ng Skippers sa Golden Stags sa natitirang 52.4 segundo.

“It was really all about our team mindset,” ani Gomez de Liaño na kumamada ng 23 points para sa Marinero. “We just had the right mindset coming into this do-or-die game.”

Ang undergoal stab ni Arvin Gamboa sa huling 12.5 segundo ang sumelyo sa kanilang panalo sa Apex Fuel-SSC.

Sa unang laro, kumamada si CJ Austria ng 19 sa kanyang 26 points sa first half para pamunuan ang Green Archers sa paggiba sa Saints.

“The boys just played really hard today and the things we were supposed to do last time around, we did it right today,” ani coach Derrick Pumaren.

ECOOIL-LA SALLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with