^

PSN Palaro

Sotto darating na para sa FIBA WC Qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang dumating ngayong araw si Kai Sotto upang makasama ang Gilas Pilipinas sa paghahanda para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Darating ang 7-foot-3 Pinoy cager mula sa Ade­laide, Australia kung saan nagsanay ito kasama ang Adelaide 36ers para sa darating na season ng Australia National Basketball League (NBL).

Pagdating sa Maynila, inaasahang sasalang agad ito sa ensayo kasama ang iba pang miyembro ng Gilas Pilipinas pool na pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Sunod na darating bukas si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na manggagaling naman sa Amerika.

Magiging pukpukan ang ensayo ng Gilas Pilipinas upang makabuo agad ng chemistry ang mga pla­yers nito bago sumapit ang dalawang laro ng Pinoy squad sa qualifiers.

Agad na sasalang sa laban ang Gilas Pilipinas kontra sa FIBA Asia Cup runner-up Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut, Lebanon kasunod ang laro kontra sa Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hahawakan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang tropa sa kabila ng pagiging abala rin nito sa Talk ’N Text Tropang Giga na umusad sa finals ng PBA Philippine Cup.

Kinumpirma ni SBP e­xe­cutive director at spo­kesperson Sonny Barrios na si Reyes ang magmamando sa Gilas Pilipinas.

“As of now, Chot is coa­ching Gilas,” ani Barrios.

Sakaling hindi ito matuloy sa Gilas coaching, nasa coaching staff naman sina multi-titled PBA coach Tim Cone at assistant coach Jong Uichico.

Sinabi ni Barriors na sasama si Cone sa Gilas Pilipinas na lalarga sa Beirut.

Nasa training camp din si Cone para makatuwang ang buong coaching staff sa paghahanda ng Natio­nals para sa qualifiers.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with