^

PSN Palaro

SMB, Meralco patayan sa huling Finals slot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB, Meralco patayan sa huling Finals slot
Aaron Black (in white)
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Ngayong gabi na malalaman kung sino ang sasagupa sa nagdedepensang TNT Tropang Giga para sa korona ng 2022 PBA Philippine Cup.

Magtutuos ang San Miguel at Meralco sa ganap na alas-6 ng gabi sa kahuli-hulihang pagkaka­taon sa ‘do-or-die’ Game Seven ng kanilang semifinals showdown sa Smart Araneta Coliseum.

Ang magwawagi ang maghahamon sa Tropang Giga sa isang best-of-se­ven title series.

Itinabla ng Bolts ang kanilang semis duel ng Beermen sa 3-3 matapos angkinin ang dramatikong 96-92 panalo sa Game Six noong Linggo.

Ibinuhos ni guard Aaron Black ang huling 11 points ng Meralco para makabangon mula sa 10-point deficit, 80-90, sa huling apat na minuto ng fourth period.

Lubos na panghihina­yang ang naramdaman ng San Miguel na hangad makapasok sa Philippine Cup Finals sa unang pagkakataon matapos noong 2019.

“We’re all in this toge­ther. We win as a team, and we lose as a team,” wika ni veteran point guard Chris Ross sa Beermen.

Determinado ang Bolts na maka-entra sa kauna-unahan nilang All-Filipino championship appearance makaraang madiskaril sa Ginebra Gin Kings sa kanilang best-of-five semifinals series noong 2020 sa Clark bubble.

Ang buzzer-beating triple ni Ginebra guard Scottie Thompson ang nagsara sa pintuan ng koponan ni coach Norman Black.

“Now we have another chance to possible get to the finals of the All Filipino,” ani Black. “So it’s a big step for our franchise and now we’re just going to have to dig a little bit deeper and try to get there because we know we’re up against a tough team.”

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with