^

PSN Palaro

Do-or-die games sa D-League

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tanging dalawang koponan lamang ang mag-aagawan para sa korona ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup.

Lalabanan ng EcoOil-La Salle ang Adalem Construction-St. Clare ngayong alas-11 ng tanghali kasunod ang salpukan ng Marinerong Pilipino at Apex Fuel-San Sebastian sa ala-1 ng hapon sa ‘winner-take-all’ Game Three ng kanilang mga semifinals series sa Smart Araneta Coliseum.

Humirit ang Saints ng ‘do-or-die’ game matapos agawin ang 72-64 panalo sa Green Archers sa Game Two sa likod nina Johnsherick Estrada at Joshua Fontanilla.

“Gusto namin laging manalo kaya kahit mahirap, gagawa at gagawa kami ng way,” ani Adalem-St. Clare coach Jinino Manansala.

Tumabla rin ang Apex Fuel-SSC sa Marinero matapos kunin ang 82-74 panalo sa Game Two.

PBA D-LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with