^

PSN Palaro

Super League ilulunsad!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang mga matitikas na collegiate stars sa bagong tatag na Shakey’s Super League (SSL) para sa mga collegiate at amateur players.

Binuo ang bagong liga sa pagtutulungan ng Shakey’s Pizza Ventures, Inc. (SPAVI) at Athletics Events and Sports Ma­nagement Group of the Phi­lippines (ACES Philippines).

Sasabak ang lahat ng teams sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pangunguna ng  Season 97 champion College of St. Benilde at runner-up Arellano University.

Aarangkada rin ang mga players mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na babanderahan ng Season 84 champion National University at runner up De la Salle University.

Ito ang inihayag ni ACES Chairman/CEO Philip Ella Juico na da­ting namumuno sa Philippine Superliga (PSL) na nagpasyang magpahinga muna dahil sa pandemya.

Magbabalik din sa senaryo ang Shakey’s na pangunahing sumusuporta sa local volleyball mula noong 2004 hanggang 2016.

Maliban sa collegiate conference, idaraos din ang National Invitational Tournament na magtatampok ng 12 grassroots-based squads sa Pebrero.

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with