^

PSN Palaro

Chot pokus sa Gilas Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Chot pokus sa Gilas Pilipinas
Chot Reyes
FIBA

MANILA, Philippines — Prayoridad ni veteran mentor Chot Reyes ang Gilas Pilipinas na sasabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa Agosto 25 at 29 sa magkaibang venues.

Mahahati ang atensiyon ni Reyes dahil nagsimula na kahapon ang pagsasanay ng Gilas.

Kasabay nito ang pagpasok ng Talk ’N Text Tropang Giga sa finals ng PBA Philippine Cup matapos pataubin ang Magnolia Hotshots sa kanilang semifinal series.

Si Reyes din ang head coach ng Tropang Giga.

Ngunit solido ang sagot ni Reyes na mas prayoridad nito ang Gilas Pilipinas.

“Gilas is my priority,” ani Reyes.

Hindi lang malinaw kung ano ang magiging pinal na desisyon nito lalo pa’t magkakasabay ang FIBA World Cup Asian Qualifiers at ang PBA Philippine Cup finals.

Magsisimula ang PBA Philippine Cup best-of-se­ven championship series sa Agosto 21--ang pina­ka­maagang posibleng petsa.

Nakatakda rin ang Game 2 ng finals sa Agosto 24 habang sa Agosto 26 ang Game 3 at Agosto 28 ang Game 4.

Lalarga naman ang FIBA World Cup Asian Qua­lifiers sa Agosto 25 kung saan darayo ang Gilas Pilipinas sa Beirut para makaharap ang host country Lebanon sa kanilang unang laro.

Agad na babalik sa Pilipinas ang Gilas squad dahil sunod nitong makakalaban ang Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Wala pa ring desisyon ang pamunuan ng PBA kung magbibigay-daan ito sa mga laro ng Gilas Pilipinas bago simulan ang Philippine Cup finals.

Bago tumulak sa qualifiers, magiging puspusan ang paghahanda ng Gilas Pilipinas kung saan nakatakdang dumating sa Agosto 18 si Kai Sotto habang darating naman sa Agosto 19 si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

Sakaling iwanan ni Reyes ang Tropang Giga, magiging kahalili nito pansamantala sina Bong Ravena at Sandy Arespacochaga.

Sa Gilas, kasama ni Reyes sa coaching staff sina veterans mentor Tim Cone at Jong Uichico.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with