^

PSN Palaro

AVC Cup naman ang tututukan Cool Smashers walang pahinga!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
AVC Cup naman ang tututukan Cool Smashers walang pahinga!
Sina Conference MVP at Best Opposite Hitter Tots Carlos (kaliwa) at First Best Outside Spiker Alyssa Valdez.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Walang pahinga para sa Creamline dahil balik-ensayo agad ito para pagtuunan ng pansin ang kanilang partisipasyon sa Asian Volleyball Confe­deration (AVC) Cup for Wo­men na idaraos sa Agosto 21 hanggang 29 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sariwa pa ang Cool Smashers sa matamis na kampeonato sa katatapos na Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinataob ng Creamline ang foreign guest team na King Whale Taipei upang masiguro ang kanilang ikalawang sunod na kampeonato sa liga.

Ngunit matapos nito, may kaunting selebrasyon ang tropa bago tutukan ang preparasyon sa AVC Cup.

Naghahanda na ang Cool Smashers sa AVC Cup kung saan nangako si Creamline team captain Alyssa Valdez na gagawin ng kanilang tropa ang lahat para makapagbigay ng magandang laban.

“We’re looking forward to AVC. We’re very limited in terms of preparation and we’re not told about this one right away but we’re just gonna give our best and hopefully all the Filipinos, all the volleyball supporters will be there to support us and welcome all the other teams,” ani Valdez.

Ang Philippine national team na binubuo ng mga players mula sa UAAP champion National University sana ang magiging kinatawan ng bansa sa AVC.

Subalit tinanggal ng PNVF sa lineup ang mga NU players matapos tumanggi ang pamunuan ng unibersidad na palaruin ang mga players nito sa PVL Invitational Confe­rence bilang guest team.

Kaya naman nagdesisyon ang PNVF na ang pinakamataas na local team sa PVL Invitational Conference na lamang ang maging representative sa AVC Cup.

Mapapalaban ang Cool Smashers dahil makakasama nito sa Group A ang powerhouse teams South Korea, China, Iran at Vietnam.

“I’m very excited for e­veryone in the team because not all of us are exposed (to international play) or have been given the chance to play for the national team,” ani Valdez.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with