^

PSN Palaro

McCullough out na sa radar ng SBP?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
McCullough out na sa radar ng SBP?
Chris McCullough

MANILA, Philippines — Naglabas ng saloobin si dating San Miguel Beer import Chris McCullough na tila wala na ito sa radar ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para maging naturalized player.

Ayon kay McCullough, wala nang nakikipag-usap sa kanya patungkol sa naturalization.

Ito ang sagot ni McCul­lough nang tanungin ito ng isa sa kanyang follo­wers sa social media.

“At this point, I don’t even get recognized,” ani McCullough.

Matatandaang inihayag ni McCullough na interesado itong maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Makailang ulit itong pinost ni McCullough sa kanyang mga social media accounts dahil sanay na ito sa kultura ng Pilipinas.

Kabisado na rin ni McCullough ang estilo ng pag­lalaro ng mga Pinoy cagers kaya’t hindi na magiging madali ang chemistry para sa kanya.

Subalit inihayag kama­kailan ng SBP na ilan sa mga tinatarget nito para sa naturalization sina Micah Potter, D.J. Wilson at Noah Vonleh.

Sa kabilang banda, nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) tear si McCullough habang naglalaro ito para sa New Taipei Kings sa Taiwan basketball league noong Marso.

Ito ang isa sa posibleng mga naging dahilan sa pagkakasibak ni McCullough sa listahan ng mga kandidato.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with