^

PSN Palaro

Estrada PBAPC D-League Player of the Week

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala si John­she­rick Estrada bilang Cignal Play-PBA Press Corps D-League Player of the Week matapos igiya ang Adalem Construction-St. Clare sa panalo sa Game Two laban sa EcoOil-La Salle sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals series noong Biyernes.

Humataw ang 20-an­yos na NAASCU MVP ng 22 points, 6 rebounds, 3 assists, 2 blocks at 1 steal sa 72-64 pagdaig ng Saints sa Green Archers para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three showdown.

Magtutuos ang dalawang koponan sa ‘winner-take-all’ Game Three bukas para sa Finals berth.

“Nag-ensayo lang kami nang maayos. Sinunod lang namin iyong mga tinuro ni coach (Jinino Manansala) at ibinigay lang namin iyong best namin,” sabi ni Estrada.

Tinalo ni Estrada para sa weekly citation sina Ichie Altamirano ng Apex Fuel-San Sebastian at Juan Gomez de Liaño ng Marinerong Pilipino.

Sa dalawang laro sa semifinals ay kumamada ang Adalem-St. Clare standout ng mga ave­rages na 18.0 points, 6.5 rebounds at 3.5 assists.

Si Estrada ang inaasahang muling aasahan ng Saints sa pagsagupa sa Green Archers ni mentor Derrick Pumaren.

PBA D-LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with