^

PSN Palaro

Cool Smashers, King Whale bakbakan sa PVL crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cool Smashers, King Whale bakbakan sa PVL crown
King Whale of Taipei defeated Creamline Cool Smashers in five sets, 25-17, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5, during the Premier Volleyball League invitational semifinals game held at FilOil EcoOil Centre in San Juan City on Friday.
STAR/Russell Palma

MANILA, Philippines — Muling magkukrus ang landas ng Open Confe­rence champion Creamline at King Whale Taipei sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na papalo ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang Cool Smashers at King Whale sa alas-5:30 ng hapon sa winner-take-all match habang maghaharap naman ang Cignal at PLDT Home Fibr sa alas-2:30 ng hapon sa battle-for-bronze game.

Naitarak ng King Wha­le ang pahirapang 25-15, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5 pa­­nalo laban sa Creamline sa kanilang u­nang paghaharap noong Biyer­nes.

Bangas ang lineup ng Creamline sa naturang laro matapos hindi masilayan sa aksyon sina starting players Jema Galanza at Jeanette Panaga.

Nagtamo pa ng sprain si team captain Alyssa Valdez sa huling bahagi ng third set.

Ngunit sa pagpasok ng finals, inaasahang ibu­buhos na ng Creamline ang buong puwersa nito para masiguro ang ikalawang sunod na korona sa liga matapos pagreynahan ang Open Conference noong summer.

Aminado ang King Whale na mapapalaban ito ng husto kaya’t inaasahang ilalatag din nito ang lahat ng alas nila para makuha ang kampeonato.

“Because Creamline is a great team in the Philippines, in our two-day break we have to do our (best) effort,” ani King Whale head coach Teng Yen-Min.

Sasandalan ng King Whale si Brazilian import Beatriz Flavio de Carvalho na kumana ng 24 puntos mula sa 19 attacks, tatlong aces at dalawang blocks laban sa Cool Smashers.

Makakatuwang ni Carvalho sina Chen Li-Jun at Chang Chih-Hsuan na may double digits din sa kanilang huling laro.

Alam ng Taiwanese squad ang laro ni Valdez dahil nagsilbi itong import ng Attack Line sa Taiwa-nese league.

Samantala, magarbong tinapos ng King Whale ang semifinal round matapos pataubin ang Cignal, 25-18,15-25, 25-21, 25-22 de­sisyon.

May 4-0 rekord ang King Whale habang bagsak sa 1-3 ang HD Spikers.

CREAMLINE

KING WHALE

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with