^

PSN Palaro

Cuajao lumipat sa Letran

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cuajao lumipat sa Letran
Deo Cuajao.
UAAP

MANILA, Philippines — Nabangasan ang Colegio de San Juan de Letran ng isang key player sa ngalan ni Rhenz Abando na nagpasyang tanggapin ang offer na maglaro sa abroad.

Ngunit isa pang dating University of Santo Tomas standout ang hahalili sa maiiwang puwesto ni Abando.

Lumipat si Cuajao sa kampo ng Letran mula sa De La Salle University.

Ayon sa ilang ulat, nakapag-enroll na si Cuajao sa Letran noong Biyernes.

Kaya naman mananatili ang bagsik ng Knights para sa kampanya nito sa NCAA men’s basketball tournament.

Malalim ang karanasan ni Cuajao na dating mi­yembro ng Growling Tigers sa ilalim ni veteran coach Aldin Ayo.

Subalit umalis si Cuajao sa UST matapos pumutok ang kontrobersiyal na Sorsogon bubble noong kasagsagan ng pandemya.

Lumipat ito sa La Salle kung saan nagkaroon lamang ito ng limitadong playing time.

Dahil transferee, masisilayan sa aksyon si Cuajao sa NCAA Season 99 kung saan may tatlong taon pa itong gugugulin sa kampo ng Knights.

Malaking tulong si Cuajao matapos mag-pro si Abando.

Itinanghal na Rookie-MVP si Abando sa katatapos na season ng NCAA kung saan tinulungan nito ang Knights na makopo ang kampeonato.

RHENZ ABANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with