^

PSN Palaro

Gilas youth mapapalaban sa matitikas na team sa Iran

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kakampanya ang Gilas Pilipinas youth sa bigating 2022 FIBA Under-18 Asian Championship sa Agosto 21-28 sa Tehran, Iran.

Pamumunuan nina A­te­neo recruits Kyle Gamber at Mason Amos ang laban ng Nationals kasama sina Mur Alao at EJ A­badam ng La Salle.

Nasa koponan din ni coach Josh Reyes sina Kobe Demisana ng UPIS, LA Andres at Joshua Coronel ng La Salle, Seven Gagate, Ethan Allen at Luis Pablo ng La Salle-Greenhills, James Nacua ng San Beda-Taytay at Ramon Salvoro ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu.

Kasama ng Gilas youth sa Group C ang Syria, Qatar at Chinese Taipei habang nasa Group A ang Iran, Japan at Lebanon at ang China, South Korea at India sa Group B.

Ang Top 8 teams sa kabuuang 10 koponan ang uusad sa knockout quarterfinals ayon sa cumulative rankings matapos ang group phase.

Unang makakatapat ng Gilas youth ang Syria sa Agosto 21 kasunod ang Qatar sa Agosto 22 at ang Chinese Taipei sa Agosto 23.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with