^

PSN Palaro

La Salle, Marinero pupuwesto na sa Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagwalis sa kani-kanilang semifinals series ang gagawin ng EcoOil-La Salle at Marinerong Pilipino para plantsahin ang championship duel nila sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Haharapin ng Green Archers ang Adalem Cons­truction-St. Clare Saints ngayong alas-10 ng umaga kasunod ang upakan ng Skippers at Apex Fuel-San Sebastian Golden Stags sa alas-12 ng tanghali sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong bitbit ng EcoOil-La Salle at Marinero ang 1-0 lead laban sa Adalem-St. Clare at Apex Fuel-SSC sa kani-kanilang best-of-three semis duel

Inangkin ng Green Archers ang 89-74 panalo sa Saints sa Game One para sa tsansang makalapit sa Finals spot.

“We’re here to learn and if we have to close out games, we have to work on that,” ani EcoOil-La Salle coach Derrick Pumaren.

Itinarak naman ng Marinero ang 74-66 ta­gumpay sa Apex Fuel-SSC para sa hangaring muling makapasok sa Finals matapos matalo sa nagharing BRT Sumisip-St. Clare noong 2019 Foundation Cup.

PBA D-LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with