^

PSN Palaro

Hotshots diniskaril ang Tropang Giga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots diniskaril ang Tropang Giga
Naghanap ng butas si Mark Barroca ng Magnolia nang kuyugin nina Poy Erram at RR Pogoy ng TNT sa Game 5.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Pinigilan ng Magnolia ang pagpasok ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa PBA Finals matapos agawin ang 105-97 panalo sa Game Five ng 2022 Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumamada si veteran guard Mark Barroca ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists para idikit ang Hotshots sa 2-3 sa kanilang best-of-seven wars ng Tropang Giga.

Nag-ambag sina Calvin Abueva, Paul Lee at Ian Sangalang ng tig-16 mar­kers para sa Magnolia.

“Ang maganda doon hindi sila sabay-sabay. Kapag pumutok kasi mahirap eh. Ma-limit lang namin ang isa sa kanila, may chance kaming manalo,” sabi ni Barroca kina Jayson Castro at Mikey Williams.

Tumapos si Castro na may 18 points at may 13 markers si Williams sa panig ng TNT.

Ang maliit na 28-26 lead sa first period ay pinalobo ng Hotshots sa 16-point lead, 51-35, mula sa basket ni Aris Dionisio sa 2:49 minuto ng second period.

Naputol ito ng Tropang Giga sa 92-95 sa likod nina Castro, Williams, Poy Erram at Glenn Khobuntin sa huling 3:59 minuto ng fourth quarter.

Huling nagbanta ang TNT sa 94-99 galing sa follow up ni Kelly Williams sa 2:47 minuto ng laro kasunod ang jumper at dalawang free throws ni Lee para muling ilayo ang Magnolia sa 103-94 sa 2:04 minuto nito.

Samantala, lumapit ang San Miguel sa finals berth matapos pabagsakin ang Meralco, 89-78, para angkinin ang 3-2 lead tampok ang 25 points ni CJ Perez.

Iniskor naman ni Rodney Brondial ang kabuuan niyang limang puntos sa dulo ng fourth period kasama ang krusyal na jumper para sa 84-76 paglayo ng Beermen sa Bolts sa huling 1:01 minuto.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with