^

PSN Palaro

Pinoy bets naghahanda para sa FINA juniors

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy bets naghahanda para sa FINA juniors
Sina Micaela Jasmine Mojdeh at Heather White.
Chris Co

Sina Micaela Jasmine Mojdeh at Heather White. (Kuha ni Chris Co)


MANILA, Philippines — Pukpukan na ang pag­hahanda ng mga bagitong Pinoy tankers na sasabak sa 8th FINA World Junior Swimming Championships na gaganapin sa Agosto 30 hanggang Setyembre 4 sa Lima, Peru.

Bumabandera sa listahan si Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh na sasabak sa limang individual events sa girls’ division.

Masisilayan sa aksyon si Mojdeh sa 200m Indivi­dual medley, 400m In­dividual medley, 400m freestyle, 200m butterfly at 100m butterfly.

Makakasama nito si Fi­lipino-British Heather White na aariba naman sa apat na individual events — 100m butterfly 50m butterfly, 100m freestyle at 50m freestyle.

Lalarga si Ruben White sa boys; 50 freestyle at 100m freetyle samantalang masisilayan si Amina Isabelle Bungubung sa girls’ 100m freestyle at 50m freestyle.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Mishka Sy, Joshua Gabrial Ang, Alexander Georg Eichler at Gian Christopher Santos.

Mapapalaban ang Pinoy tankers sa matitikas na swimmers mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang powerhouse United States, France, China, Hun­gary, Great Britain, Japan, Italy, Brazil at iba pang bansa.

Idaraos ang preliminary rounds tuwing umaga habang sa gabi naman ang semifinals at finals sa Videna Aquatic Center sa Peru.

Itinanghal na overall champion ang Amerika sa hu­ling edisyon ng World Ju­nior Championships noong 2017 sa Budapest, Hungary.

Nakalikom ang Amerika ng 18 ginto, 10 pilak at siyam na tanso para makuha ang No. 1 spot habang pu­mangalawa ang Russia na may 7-11-4 kasunod ang Australia na may 4-5-4, Italy na may 3-2-7 at Canada na may 2-5-5..

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with