^

PSN Palaro

Finals slot nasikwat ng King Whale

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Finals slot nasikwat ng King Whale
King Whale of Taipei defeated Creamline Cool Smashers in five sets, 25-17, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5, during the Premier Volleyball League invitational semifinals game held at FilOil EcoOil Centre in San Juan City on Friday (August 12, 2022).
STAR/Russell Palma

MANILA, Philippines — Nalusutan ng King Whale Taipei ang Open Conference champion Creamline, 25-15, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5, upang masikwat ang huling tiket sa finals ng PVL  Invitatio­nal Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humataw ng todo si Brazilian import Beatriz Flavio de Carvalho matapos pumalo ng 24 puntos mula sa 19 attacks, tatlong aces at dalawang blocks upang pamunuan ang King Whale.

Nanatiling malinis ang rekord ng King Whale ta­ngan ang 3-0 baraha.

Nakakuha ng soidong suporta si Carvalho mula kay Chen Li-Jun na buma­nat ng 17 hits at pitong receptions habang nagdagdag naman si Chang Chih-Hsuan ng 14 puntos at 12 digs.

Nakaabante ang Cool Smashers sa net defense matapos magtala ng siyam na blocks laban sa dalawa lamang ng King Whale.

Subalit dinomina ng King Whale ang attack line tangan ang 69-55 edge at ang service area (7-4).

Nakagawa pa ang Cool Smashers ng 28 errors sa larong tumagal ng dala­wang oras at limang minuto.

Tinapos ng Cool Sma­shers ang semis bitbit ang 3-1 baraha.

Naramdaman ang pagkawala ni team captain Alyssa Valdez na nagtamo ng sprain sa huling bahagi ng third set.

Umiskor lamang si Open Conference MVP Tots Carlos ng 15 puntos — malayo sa kanyang 20-plus produksiyon sa mga nakalipas na laro ng kanilang tropa.

Bago magtamo ng sprain, nakalikom muna si Valdez ng 11 puntos habang umani rin si opposite spiker Michele Gumabao ng 11 hits.

Hindi rin naglaro si Jema Galanza subalit magandang kapalit si Rosemarie Vargas na kumana ng siyam na puntos, 20 receptions at 10 digs.

Gayunpaman, hindi ito sapat para makuha ng Cool Smashers ang panalo.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with