^

PSN Palaro

Gilas pool members sabik nang makasama si Clarkson

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Excited na ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas pool na makasama si NBA star Jordan Clarkson sa training camp ng team sa susunod na linggo.

Kabilang na rito si Kevin Quiambao na hindi maitago ang kasabikan na makalaro ang Utah Jazz player gayundin si Kai Sotto na bahagi ng Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League (NBL).

Isa lamang si Quiambao sa mga nasa Gilas Pilipinas pool na nauna nang pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“Malaki ang pasasalamat ko dahil nabigyan ako ng chance na makasama sa Gilas pool and magiging teammate ko pa si Jordan Clarkson,” ani Quiambao.

Bukod kina Clarkson, Sotto at Quiambao, nasa inisyal na listahan ng Gilas Pilipinas pool sina Dwight Ramos, Ray Parks Jr., Kiefer at Thirdy Ravena, Carl Tamayo at Francis Lopez.

Inaasahang darating sa bansa sina Clarkson at Sotto sa Agosto 18 para makasama ang Gilas Pilipinas pool sa training camp.

Sa oras na matapos ang PBA Philippine Cup, madadagdagan pa ang pool dahil huhugot ang Gilas Pilipinas coaching staff ng karagdagang players mula sa mga PBA teams na sibak na.

Kabilang sa mga posibleng madagdag sina six-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at reigning MVP Scottie Thompson ng Barangay Ginebra.

Bumubuo ang SBP ng solidong lineup para sa qualifiers kung saan makakasagupa ng Gilas ang Asian power Lebanon na runner-up sa katatapos na FIBA Asia Cup na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Magtutuos ang Pilipinas at Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut habang makakatipan din ng Gilas ang Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with