^

PSN Palaro

Archers, Skippers tanaw na ang Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilapit ng EcoOil-La Salle at Marinerong Pilipino ang kanilang mga sarili para sa isang championship showdown.

Ito ay matapos gibain ng Green Archers ang Adalem Construction-St. Clare Saints, 89-74, at talunin ng Marinerong Pilipino Skippers ang Apex Fuel-San Sebastian Golden Stags, 74-66, sa Game One ng 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumamada si Schonny Winston ng 24 points, 4 assists, 3 rebounds at 3 steals para igiya ang EcoOil-La Salle sa 1-0 abante sa kanilang best-of-three semis wars ng Adalem-St. Clare.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Green Archers laban sa Saints para angkinin ang championship ticket.

Sa unang laro, humugot ang Marinero ng 16 points, 10 rebounds at 7 assists kay Juan Gomez de Liaño sa paggupo sa Apex-SSC habang may 15 at 14 markers sina Arvin Gamboa at Jollo Go, ayon sa pagkakasunod.

PBA D-LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with