^

PSN Palaro

King Whale target ang Finals slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
King Whale target ang Finals slot
KingWhale Taipei head coach Teng Yen-Min.
PVL

MANILA, Philippines —Ibubuhos na ng King Whale Taipei ang buong puwersa nito upang masikwat ang huling tiket sa finals sa pagpapatuloy ng PVL Invitational Confe­rence ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ngunit daraan muna sa butas ng karayom ang King Whale dahil makakaharap nito ang Open Conference champion Creamline sa alas-4 ng hapon.

Alam ni King Whale head coach Teng Yen-Min na hindi birong kalaban ang mga Pinoy teams.

Naramdaman ito ng Taiwanese squad nang pahirapan ng PLDT Home Fibr bago makuha ang 23-25, 25-20, 25-23, 20-25, 15-13 panalo noong Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“The competition made us learn and it taught us many things,” ani  Teng.

Kasalukuyang may 2-0 rekord ang King Whale kung saan tinalo rin nito ang Philippine Army noong Lunes sa iskor na 26-24, 25-18, 26-24.

At kung mananaig ang King Whale sa Creamline, awtomatikong makukumpleto ang finalists sa kumperensiyang ito.

Pormal nang nasikwat ng Cool Smashers ang unang silya sa finals dahil sa kanilang matikas na 3-0 baraha.

Subalit hindi naman bas­ta-basta ibibigay ng Creamline ang panalo sa King Whale lalo pa’t nais nitong pumasok sa finals na mataas ang moral.

Hahataw para sa Cool Smashers sina Open Conference MVP at league top scorer Tots Carlos, team captain Alyssa Valdez, outside hitter Jema Galanza at playmaker Jia Morado.

Tatapatan naman ito ng King Whale sa ngalan ni Brazilian import heavy-hitter Bea Carvalho kasama sina Lian Yi-Jen Wang Yu-Wen, Chen Li-Jun, Chen Chieh at Tsai Qin-Yao.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with