^

PSN Palaro

P12 milyong ipapamahagi sa APG medalists

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang pagsisikap, nakaabang naman ang cash incentives sa mga Pinoy differently-abled athletes na nakasungkit ng medalya sa katatapos na 11th Asean Para Games sa Solo, Indonesia.

Tumataginting na P12 milyong kabuuang pabuya ang ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Matatandaang humakot ang Team Philippines ng 28 ginto, 30 pilak at 46 tansong medalya para tumapos sa ikalimang puwesto sa Para Games.

Pinakamagandang per­formance ito ng Team Philippines sa Asean Para Games para tabunan ang dating rekord nitong 24 ginto, 24 pilak at 26 tanso noong 2009 edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Base sa Republic Act No. 10699 o mas kilala sa tawag na Expanded National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act, mabibigyan ng P150,000 ang lahat ng gold medalist.

Tatanggap naman ng P75,000 ang silver medlists at P30,000 naman para sa mga bronze medalists.

Pinakamaningning si FIDE Master Sander Se­verino ng chess matapos umani ng apat na ginto at dalawang pilak para sa kabuuang P500,000 cash reward.

May tig-tatlong ginto naman sina swimmers Angel Otom at Ariel Joseph Alegarbes upang masiguro ang tig-P450,000 habang nakalikom si Ernie Gawilan ng dalawang ginto, isang pilak at isang tanso para sa P382,500 premyo.

Inaayos pa ng PSC ang courtesy call sa Ma­lacañang na magsisilbing venue ng awarding ng mga cash rewards.

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with