^

PSN Palaro

High Speed Hitters yuko sa King Whale

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
High Speed Hitters yuko sa King Whale
Hinatawan ni Mika Reyes ng PLDT si Wang Yu Wen ng King Whale ng Chinese Taipei.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nailusot ng King Whale Taipei ang pukpukang 23-25, 25-20, 25-23, 20-25, 15-13 desisyon kontra sa PLDT Home Fibr upang manatiling malinis ang rekord nito sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lamang na lamang ang High Speed Hitters sa attacks matapos magtala ng 73 hits kumpara sa 63 ng King Whale.

Subalit naging mala­king balakid nito ang 37 errors — karamihan galing sa service area.

Sumandal ang King Whale kay Brazilian import Beatriz Flavio de Carvalho na nagpako ng 19 puntos mula sa 15 attacks, tatlong blocks at isang ace.

Bumanat din si Chen Li-Jun ng 13 puntos kabilang ang mga krusyal na hits sa fifth set para tulungan ang King Whale na makuha ang ikalawang sunod na panalo.

Nagparamdam din si Chen Chieh na naglatag ng 11 markers gayundin si Tsai Qin-Yao na umani naman ng 10 hits para sa King Whale.

Halos nasa palad na ng High Speed Hitters ang panalo nang makuha nito ang 12-8 lead sa fifth set.

Ngunit umarangkada ang King Whale sa pa­ngunguna nina Li-Jun at Tsai kung saan nagpa­sa­bog ito ng 5-1 run na sinabayan pa ng attack error ni Chin Chin Basas para maagaw ang bentahe sa 14-12.

Nagawang makadikit ng High Speed Hitters sa 13-14 mula sa down-the-line hit ni Jovie Prado ngunit isang krusyal na error ang naitala ni middle blocker Mika Reyes sa service area para tuluyang ipaubaya sa King Whale ang panalo.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with