^

PSN Palaro

Obiena minalas sa medalya

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Obiena minalas sa medalya
EJ Obiena.
Maxime Le Pihif

MANILA, Philippines — Bigo si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena na makahugot ng medalya sa Gyulai István Memorial 2022 kahapon sa Szekesfehervar, Hungary.

Lumundag ang Asian at Southeast Asian Games record-holder ng 5.45 meters para tumapos sa fourth place makaraang magtala ng 5.73m para sa tansong medalya sa nakaraang Silesia Diamond League sa Poland.

Nauna nang nagposte ang 6-foot-2 na Pinoy pole vaulter ng kanyang personal best at Asian record na 5.94m para kunin ang bronze medal sa World Athletics Championships sa Eugene, Oregon.

Ang nasabing tanso ni Obiena ang unang medalya ng bansa sa world championships.

Inangkin ni World No. 1 Armand Duplantis ng Sweden ang gold medal sa nasabing World Athle­tics Continental Tour Gold level meet sa inilista niyang 5.80m.

Nakuntento sina World No. 6 Renaud Lavillenie at No. 20 Thibaut Collet ng France sa silver at bronze sa kanilang tinalon na 5.70m at 5.60m, ayon sa pagkakasunod.

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with