^

PSN Palaro

Gilas babanderahan ni Clarkson

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas babanderahan ni Clarkson
Jordan Clarkson
STAR/ File

NBA star naturalized ang status

MANILA, Philippines — Pamumunuan ni NBA star Jordan Clarkson ang Gilas Pilipinas na sasabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalaruin sa Agosto 25 at 29 sa magkahiwalay na venues.

Inihayag na ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang inisyal na listahan ng Gilas Pilipinas pool kung saan makakasama ng Utah Jazz player sina Dwight Ramos, Ray Parks Jr., Kiefer Ra­vena, Thirdy Ravena, Carl Tamayo, Francis Lopez at Kevin Quiambao.

Hindi muna pinangalanan ang mga PBA players na mapapabilang sa pool dahil nais ng Gilas Pilipinas coaching staff na tapusin muna ang semifinals ng PBA Philippine Cup.

Kasalukuyang naglalaro sa semis ang Magnolia at Talk ’N Text, at ang San Miguel Beer at Meralco.

Sa oras na matapos ang semis, inaasahang isisi­walat na ang mga mapapabilang sa pool.

“Hindi muna natin ire-release yung pool until after the semifinals para hindi ma-distract yung mga naglalaro pa,” ani SBP spokesperson Renauld ‘Sonny’ Barrios.

Ngunit ibinalita rin ni Barrios na hindi pinahintulutan ng FIBA na makapag­laro si Clarkson bilang local player.

Sa halip, maglalaro ito bilang naturalized player base sa mga dokumento ni Clarkson na naisumite ng SBP sa FIBA.

“Hindi na pwede yung local. Tinanggap na namin na naturalized ang classification niya sa FIBA. We tried our best. Maraming pagsisikap na makuha ang ating kagustuhan pero gagamitin na natin siyang naturalized. There’s no turning back,” ani Barrios.

Dahil dito, wala nang magiging puwesto si naturalized player Angelo Kouame sa tuwing magla­laro si Clarkson suot ang Gilas Pilipinas jersey.

Nakikipag-usap din ang SBP sa handler ni Kai Sotto na nakatakdang bumalik sa Australia para samahan ang Adelaide 36ers sa National Basketball League (NBL) Australia.

Sinabi ng SBP na gusto ng 7-foot-3 center na lumaro nunit kailangan muna itong plantsahin para masigurong walang magiging aberya.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut, Lebanon kasunod ang Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Maynila.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with