^

PSN Palaro

Ayo bagong coach ng Converge

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Si dating college coach Aldin Ayo ang gigiya sa Converge bilang kapalit ni Jeffrey Cariaso para sa darating na 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Muling makakasama ni Ayo sa koponan sina Jeron Teng at Abu Tratter na naging player niya sa De La Salle Green Archers sa UAAP.

Inaasahang dadalhin ng 44-anyos na si Ayo sa FiberXers team ang kanyang pamosong ‘Mayhem’ defense na nagresulta sa pagkopo niya ng NCAA crown para sa Letran Knights noong 2015 at sa UAAP title para sa Green Archers noong 2016.

Nagsilbi ring coach ang dating Letran guard ng University of Santo Tomas Growling Tigers noong 2018 bago nagbitiw sa puwesto noong 2020 matapos ang kontrobersyal na “Sorsogon bubble.”

Sumalang din ang tubong Sorsogon bilang coach ng Muntinlupa at Bicol teams sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Noong Lunes ay sinabihan na ng Converge mana­ge­ment si Cariaso ukol sa pagpasok ni Ayo sa koponan simula sa reinforced conference na didribol sa Oktubre 2.

Inihatid ni Cariaso ang FiberXers, bumili sa prangkisa ng Alaska Aces, sa disenteng 5-6 record sa kasalukuyang 2022 PBA Philippine Cup.

Napatalsik ang Converge sa quarterfinals matapos ang 95-115 pagyukod sa nagdedepensang TNT Tropang Giga. 

ALDIN AYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with