^

PSN Palaro

Hidilyn magreretiro matapos ang 2024 Paris Olympics

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn magreretiro matapos ang 2024 Paris Olympics
Ang winning form ni Hidilyn Diaz sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
File

MANILA, Philippines — Ang 2024 Olympic Games sa Paris, France ang magiging pinakahuling kompetisyon na lalahukan ni national weightlifter Hidilyn Diaz bago tuluyang magretiro.

Sa kanyang social media page ay naglabas ng litrato ang Tokyo Olympics gold medalist ng kanyang mga kamay na may kalyo at may hashtag na “#LastLift”.

“Dear Weightlifting, Today marks 6 years since I had won the silver medal at the 2016 Rio #Olympics. I can still remember how magical that day was, how God surprised me with a Silver medal when I was just aiming for a Bronze, it was one of the proudest moments of my life,” ani Diaz.

“Today, we are also officially 2 years to go, before I step onto the platform at the #2024ParisOlympics,” dagdag ng 31-anyos na tubong Zamboanga City.

Ikinasal noong Hulyo 26 ang three-time World Championships bronze medal winner sa kanyang coach na si coach Julius Naranjo sa Baguio City.

Pansamantalang ipinagpaliban nina Diaz at Naranjo ang kanilang ho­neymoon para paghandaan ang 2024 Paris Olympics.

“Itabi muna natin ang honeymoon, we only have 730 days left. Kahit mahirap, even though I do not need to prove anything, gusto ko pa rin gawin ang lahat ng makakaya ko para sa Weightlifting at sa Pilipinas,” ani Diaz.

Humingi rin ng suporta sa mga Pinoy ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist.

“I am manifesting this dahil ito ang gusto ko at weightlifting ang nagpapa­saya sakin. Samahan ninyo ako sa aking desisyon to go for my #LastLift. #TeamHD will be with me throughout the whole process pero kaila­ngan ko ang suporta at dasal ninyong lahat,” wika ni Diaz.

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with