^

PSN Palaro

Castro bumida sa panalo ng Tropang Giga sa game 3

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Castro bumida sa panalo ng Tropang Giga sa game 3
Niyakap nina Mikey Williams at Poy Erram si Jayson Castro matapos nitong isalpak ang triple para sa panalo ng TNT sa Magnolia.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sadyang hindi matatawaran ang puso ni veteran guard Jayson Castro.

Isang game-winning triple ang isinalpak ni Castro sa huling 2.4 segundo ng laro para tulungan ang nag­dedepensang TNT Tro­pang Giga sa 93-92 pag-eskapo sa Magnolia sa Game Three ng 2022 PBA Philippine Cup semifi­nals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos ang 36-anyos na 2008 No. 3 overall pick na may 16 points, 6 assists at 2 rebounds para sa 2-1 lead ng Tropang Giga sa kanilang best-of-seven showdown ng Hotshots.

“We spoke briefly about our defense, but we focused on our offense, what we were going to do after,” sabi ni coach Chot Reyes.

Humakot si center Poy Erram ng 22 markers at 8 boards, habang may tig-15 points sina Mikey Williams at Glenn Khobuntin.

Matapos ang dalawang free throws ni Khobuntin na nagdikit sa TNT sa 87-88 sa 1:51 minuto ng laro ay nakagawa ng turnover si Rome Dela Rosa sa panig ng Magnolia.

Kinumpleto ni Castro ang kanyang 3-point play kay Russell Escoto para sa 90-88 bentahe ng Tropang Giga sa 1:35 minuto nito.

Ibinigay naman ni Mark Barroca sa Hotshots ang 92-90 abante galing sa kan­yang magkahiwalay na layup at jumper sa nala­labing 9.8 se­gundo.

At kasunod nito ang game-winning triple ni Castro para sa TNT.

Pinamunuan ni forward Calvin Abueva ang Magnolia sa kanyang 18 points, habang may 17 at 15 markers sina center Ian Sangalang at Barroca, ayon sa pagkaka­sunod.

vuukle comment

JAYSON CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with