Antetokounmpo brothers maglalaro para sa Greece
MANILA, Philippines — Magsasama-sama ang mga magkakapatid na Antetokounmpo sa pagsabak ng Greece sa 2022 FIBA Eurobasket.
Maglalaro para sa kanilang national team sina Milwaukee Bucks teammates NBA MVP Giannis at Thanasis Antetkounmpo.
Makakasama nila ang mga nakakabatang kapatid na sina Kostas at Alex.
Si Giannis lamang ang naglaro para sa Greece noong 2017 edition ng continental championship.
Pormal na inihayag ng Greece ang kanilang roster kung saan ipinoste ni Giannis ang kanilang litrato sa media day.
Nakatakda ang 2022 FIBA Eurobasket sa Setyembre 1-18 na pamamahalaan ng mga co-hosts na Czech Republic, Georgia, Italy at Germany.
Pinagharian ng Slovenia ang FIBA Eurobasket noong 2017 matapos talunin ang Serbia sa finals, habang tumapos sa No. 8 ang Greece.
Naglalaro ang 24-anyos na si Kostas sa ASVEL Basket sa French league at sumabak ang 20-anyos na si Alex sa Wisconsin Herd sa NBA G League.
- Latest