^

PSN Palaro

3-0 sasarguhin ng High Speed Hitters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
3-0 sasarguhin ng High Speed Hitters
Hinarang ni Mika Reyes ng PLDT ang tira ni Jacqueline Acuña ng Cignal sa huling laban sa elimination.
STAR/File

MANILA, Philippines — Itataya ng PLDT Home Fibr ang malinis na rekord nito laban sa reigning Open Conference champion Creamline sa pagpapatuloy ng semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence.

Maghaharap ang High Speed Hitters at Cool Smashers sa alas-5:30 ng hapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Una munang masisila­yan ang salpukan ng Cignal HD at Philippine Army sa alas-2:30 na parehong nagnanais makuha ang unang panalo matapos yumuko sa kanilang mga unang laro.

Ngunit nakatutok ang lahat sa High Speed Hitters at Cool Smashers na parehong wala pang talo sa semifinal round.

Nangunguna ang PLDT tangan ang malinis na 2-0 rekord habang may 1-0 marka naman ang Creamline.

Magkasunod na pinatumba ng High Speed Hitters ang Lady Troopers at HD Spikers para okupahan ang No. 1 spot sa standings tangan ang malinis na 2-0 marka.

Malalim ang lineup ng High Speed Hitters kaya’t may nahuhugot ito sa oras ng pangangailangan.

Kabilang na rito sina wing spi­kers Jovie Prado at Erika Santos na nakatulong ng High Speed Hitters sa pagkuha ng 15-25, 25-13, 25-23, 25-23 pananaig kontra sa HD Spikers.

Subalit mataas din ang moral ng Cool Sma­shers na nagtagumpy laban sa Lady Troopers sa kanilang u­nang laro.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with