^

PSN Palaro

Philippines bets ariba pa sa Para Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na kamada ng Team Philippines matapos humakot ng panibagong batch ng gintong medalya sa 2022 ASEAN Para Games na ginaganap sa Surakarta, Indonesia.

Malakas na puwersa ang inilatag ng Pinoy bets sa swimming competitions sa Jatidiri Sports Complex sa Semarang kung saan humataw pa ito ng tatlong gintong medalya.

Nangunguna sa lista­han si Ariel Joseph Alegar­bes na winasak ang rekord sa men’s 50m freestyle S14 event sa bendisyon ng impresibong 25.74 segundo.

Nakahirit pa ng gintong medalya si Paralympic Games veteran Gary Bejino nang mamayagpag ito sa men’s 100m freestyle S6 class.

Hindi rin nagpakabog si Marco Tinamisan na kumana ng gintong medalya sa men’s 100m freestyle category.

Nag-dagdag naman sina Marcel Burgos at Ange­lo Manangdang ng pilak na medalya sa Compound Doubles event ng archery competition sa Kota Barat Field sa Surakarta.

May dalawang tanso rin buhat kina Tina Bantiloc at Marcel Burgos sa Compound Mixed Team event sa archery at Arvie John Arreglado sa men’s long jump T47 sa athletics.

Sa kabuuan, may 24 ginto, 22 pilak at 39 tansong medalya na ang Team Philippines para umangat sa ikaapat na puwesto sa medal tally.

Nangunguna ang host Indonesia na may 115 ginto, 83 pilak at 65 tanso kasunod ang Thailand na may nakolektang 61-75-49 at Vietnam na umani ng 53-44-33.

Nalampasan na ng Team Philippines ang performance nito noong 2017 edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nakahirit lamang ang Pinoy squad ng 20 ginto, 20 pilak at 29 tanso.

ASEAN PARA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user