^

PSN Palaro

Marinero pasok sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inangkin ng No. 4 Marinerong Pilipino ang ikatlong semifinals berth, habang humirit ng ‘do-or-die’ game ang No. 6 Builders Warehouse-UST sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Sinibak ng Skippers ang No. 5 Centro Escolar University Scorpions, 75-66, at ginulat ng Tigers ang No. 3 Adalem Construction-St. Clare Saints, 98-93, sa kani-kanilang quarterfinals games kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si Juan Gomez de Liaño ng 17 points, 8 assist at 7 rebounds at may 17 markers si Jollo Go tampok ang tatlong three-point shots para sa Skippers.

“Nagkaroon talaga kami ng problema noong hindi healthy iyong pla­yers pero masaya kami na kumpleto kami,” ani coach Yong Garcia.

Samantala, humataw si Kean Baclaan ng 35 points para ihatid ang No. 6 Builders Warehouse-UST sa 98-93 paggulat sa No. 3 Adalem Construction-St. Clare.

Pinuwersa ng Tigers ang Saints sa ‘do-or-die’ game sa Miyerkules para sa ikaapat at huling semis berth.

PBA D-LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user