^

PSN Palaro

Creamline hataw agad sa semis!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Creamline hataw agad sa semis!
Nasalag ni Jeanette Villareal ng Army ang spike ni Alyssa Valdez ng Creamline.
PVL

Cignal tumukod sa PLDT

MANILA, Philippines — Mabilis na nasawata ng Open Conference champion Creamline ang apoy ng Philippine Army, 25-21, 23-25, 25-19, 25-17, upang mainit na simulan ang semis drive nito sa Premier Volleyball League Invitational Conference na dumayo sa Ynares Center sa Antipolo City kahapon.

Apat na players ng Cool Smashers ang nagtala ng double digits sa pangu­nguna ni Open Conference MVP Tots Carlos na pumalo ng 24 puntos at 19 digs para pamunuan ang Cool Smashers na makuha ang 1-0 rekord sa semis.

Nagdagdag si team captain Alyssa Valdez ng 19 puntos samantalang umiskor naman si outside hitter Jema Galanza ng 12 puntos, 14 digs at walong receptions.

Lamang ng 20 attack points ang Cool Smashers laban sa Lady Troopers, 63-43 habang nakakuha ito ng walong blocks kabilang ang tatlo galing kay Panaga.

“We were able to recover from the second set since Army won’t give up that easily. That’s all we’re looking for since the game is already there. And everybody contributed,” ani Creamline coach Sherwin Meneses.

Nahulog ang Lady Troopers sa 0-2 baraha.

Sa ikalawang laro, nasolo ng PLDT Home Fibr ang liderato matapos pataubin ang Cignal, 15-25, 25-13, 25-23, 25-23, upang manatiling malinis ang rekord nito sa semis.

Umangat sa 2-0 ang High Speed Hitters habang bagsak sa 0-1 ang HD Spikers.

Mainit si middle blocker Dell Palomata nang humataw ito ng 19 puntos mula sa 16 attacks at tatlong blocks para tulungan ang High Speed Hitters na makuha ang panalo.

“Nasa mindset namin na huwag kaming bumitaw, huwag kami mag-doubt. Tulung-tulong lang kami ng mga teammates ko,” ani Palomata.

OPEN CONFERENCE '

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with