^

PSN Palaro

TNT, SMB nakauna

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT, SMB nakauna
Inangatan ni TNT Tropang Giga guard Kib Montalbo si Magnolia center Ian Sangalang habang nakaabang si Kelly Williams.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi na nagpapigil ang nagdedepensang TNT Tropang Giga nang makapagposte ng 19-point lead sa second period.

Dinomina ng Tropang Giga ang Magnolia Hotshots, 108-96, sa Game One ng kanilang best-of-seven semifinals series sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpasabog si Mikey Williams ng 18 sa kanyang 26 points sa first half tampok ang apat na three-point shots patungo sa pagtatayo ng TNT ng 1-0 lead sa kanilang serye ng Magnolia.

Umiskor si RR Pogoy ng 23 markers at may 18 points si Glenn Khobuntin at nagtala si Jayson Castro ng 12 markers, 5 rebounds at 5 assists.

“We’re pretty sure they’re going to come up with something different the next time and it’s upon us to be ready for it and to prepare ourselves for it,” ani coach Chot Reyes. “This is just one win and we’re preparing for a long series.”

Mula sa 28-19 abante sa first period ay humataw ang Tropang Giga sa se­cond quarter para iwanan ang Hotshots, tinalo nila sa nakaraang Philippine Cup Finals, sa 49-30 sa huling 3:05 minuto nito.

Pinalobo pa ito ng TNT sa 24 puntos, 84-60, ga­ling sa basket ni Castro sa natitirang 45.5 segundo sa third canto.

Napababa ito ng Magnolia sa 88-101 buhat sa jumper ni Paul Lee sa 4:49 minuto ng fourth period.

Ngunit ang jump shot ni Khobuntin sa huling 1:07 minuto ang muling naglayo sa Tropang Giga sa 108-90 para tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo sa Hotshots.

Samantala, ipinakita ng San Miguel ang kanilang lakas matapos bugbugin ang Meralco, 121-97, para ilista ang 1-0 abante sa kanilang serye.

Nagpaputok si CJ Pe­rez ng 25 points, ang 18 rito ay iniskor niya sa first half, para sa Beermen habang may 20, 16 at 11 mar­kers sina Rodney Brondial, Vic Manuel at June Mar Fajardo,  ayon sa pagkakasunod.

SMB

TNT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with