^

PSN Palaro

TNT Tropang Giga pasok sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT Tropang Giga pasok sa quarterfinals
Humanap ng butas si TNT guard Mikey Williams para makalusot kay Juami Tiongson ng Terrafirma.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ikinonekta ng nagdedepensang TNT Tropang Giga ang kanilang pang-limang sunod na panalo matapos patumbahin ang Terrafirma, 114-86, papasok sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ng 31 points, 7 rebounds at 5 assists para sa 7-2 record ng Tropang Giga at makalapit sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

“We have a goal and were locked in to that goal,” sabi ni Williams na umiskor ng 14 points sa first half. “I just think it’s a summary of how much work we put in practice.”

Malas pa rin ang Dyip sa kanilang anim na laban.

Nag-ambag si center Poy Erram ng 18 markers, 9 boards at 2 assists para sa TNT at may 15, 11 at 10 points sina RR Pogoy, Jjay Alejandro at rookie JD Tungcab, ayon sa pagkakasunod.

Nagsalpak din ang mga bataan ni coach Chot Reyes ng 15 three-pointers bukod sa hinakot na 55 rebounds at 28 assists kumpara sa 7 triples, 44 boards at 13 assists ng tropa ni mentor Johnedel Cardel.

Pinamunuan ni Joshua Munzon ang Terrafirma sa kanyang 25 points, ang 13 rito ay iniskor niya sa first half kung saan sila nakadikit sa 48-49 sa halftime matapos mabaon sa 14-31.

Sa likod ni Munzon ay naagaw ng Dyip ang 50-49 abante sa pagsilip ng third period kasunod ang 16-9 atake ng Tropang Giga para iposte ang 76-58 kalamangan sa 3:23 minuto nito.

Samantala, nagposte si Season 46 MVP Scottie Thompson ng 24 points, 6 rebounds at 6 assists para igiya ang Barangay Ginebra sa 105-89 paggiba sa Converge at tumabla sa ibabaw ng team standings.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Gin Kings, giniyahan ni assistant coach Richard Del Rosario, para sa 5-1 kartada.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with