^

PSN Palaro

Obiena bigo sa Stockholm Diamond League

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Obiena bigo sa Stockholm Diamond League
EJ Obiena reacts after winning gold at the 31st Southeast Asian Games men's pole vault final at the My Dinh National Stadium in Hanoi on Saturday, May 14.
Philstar.com / Luisa Morales

MANILA, Philippines — Matapos maghari sa isang torneo noong nakaraang linggo ay bigo si national pole vaulter Ernest John Obiena na makasikwat ng medalya sa sinalihang Stockholm Diamond League sa Sweden.

Lumundag ang World No. 6 na si Obiena ng 5.73 meters para tumapos sa sixth place sa hanay ng walong partisipante.

Mas mababa ito kumpara sa inilista niyang bagong season-best na 5.92m sa pagkopo sa gold medal sa Taby Stavhoppsgala sa Taby, Sweden kamakailan.

Napatalsik sa labanan sa Stockholm Diamond League ang 6-foot-2 na si Obiena matapos mabigong malundag ang 5.83m sa kanyang tatlong pagtatangka.

Si Olympic Games champion Mondo Duplantis ng Sweden ang sumikwat sa gold medal sa itinalang bagong personal best na 6.16m kasunod sina American Christopher Nilsen (5.93) at 2016 Olympics winner Thiago Braz (5.93m) ng Brazil.

Susunod na sasalang si Obiena sa World Athletics Championships sa Hulyo 15-24 sa Eugene, Oregon.

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with