^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas sesentro na vs India

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik Maynila na ang Gilas Pilipinas para naman paghandaan ang pagsabak nito kontra sa India sa Linggo sa huling araw ng third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Salang agad sa ensayo ang Pinoy cagers para balangkasin ang game plan nito.

Nais ng Gilas Pilipinas na kalimutan na ang masaklap na 60-106 kabiguan nito sa kamay ng New Zealand noong Huwebes sa larong ginanap sa Eventfinda Stadium sa Auckland.

Subalit nais ni Gilas Pilipinas head coach Nenad Vucinic na may matutunan ang kanyang bataan sa naturang laro.

“We have to eliminate the negative things that we had. Tall Blacks have dominated us in all aspects of the game and it will help us to get better in the future,” ani Vucinic.

Aminado si Vucinic na maraming bagay ang dapat ayusin sa opensa at bilis ng galaw ng Gilas Pilipinas.

Sa kabila ng kabiguan, magandang oportunidad ito para sa Gilas Pilipinas partikular na sa mga batang miyembro ng koponan para malaman ang mataas na kalidad ng bakbakan sa international basketball.

“It is a good thing for the young players to understand at what level we need to be in for high-level international basketball, ani Vucinic.

Sa naturang laro, na­nguna si Carl Tamayo na may 16 points habang nalimitahan sina Dwight Ramos at Kiefer Ravena sa tig-anim na puntos.

Gayunpaman, masaya si SJ Belangel na nabigyan ito ng oportunidad para matuto.

“It’s a great opportunity for us, a lot of things to learn from this game. We are going to bring this game to future games, learn from this and be stronger,” ani Belangel.

Posibleng hindi makalaro si Tamayo sa Linggo matapos magtamo ng ankle sprain kaya’t umaasa si Vucinic na magstep-up ang ibang players gaya nina Kevin Quiambao at Will Navarro.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with