^

PSN Palaro

TNT didiretso sa ika-4 na dikit

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT didiretso sa ika-4 na dikit
Lalabanan ng Tropang Giga ang Batang Pier ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng San Miguel Beermen at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-6 ng gabi.
PBA Images

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng nagdedepensang TNT Tropang Giga ang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa NorthPort sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Lalabanan ng Tropang Giga ang Batang Pier ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng San Miguel Beermen at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-6 ng gabi.

Tangan ng TNT ang 5-2 record kasama ang three-game winning streak habang determinado ang NorthPort (2-3) na makabangon mula sa tatlong sunod na kamalasan.

“We have four games left, and we have to get as many wins as we can. And then we’re going to get a two-week break, I think, while the other teams are still playing,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes.

Umiskor ang PLDT franchise ng 87-72 panalo sa Phoenix tampok ang 27 points, 7 assists, 6 rebounds at 2 steals ni Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams.

“I’m just trying to continue working... to get them back,” sabi ni Williams sa kanyang ikalawang laro matapos mawala sa unang limang laban ng Tropang Giga dahil sa usapin sa kontrata.

Sa ikalawang laro, ang pagsolong muli sa liderato ang pakay ng San Miguel (4-1) sa pagsagupa sa Rain or Shine (1-4).

Nagmula ang Beermen sa 111-92 paggupo sa Converge FiberXers (2-4) at nakalasap ang Elasto Painters ng 85-89 pagkatalo sa Tropang Giga na naghulog sa kanila sa ikaapat na sunod na kabiguan.

PBA

TNT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with