^

PSN Palaro

Philippine Cup champion sa Group A ng EASL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapapabilang sa Group A ang maghahari sa 2022 PBA Philippine Cup para sa inaugural home-and-away season ng East Asia Super League (EASL) sa Oktubre.

Kasama rin sa grupo ang PLeague+ champions na Taipei Fubon Braves, ang Korean Basketball League (KBL) runner-up na Anyang KGC at ang Ryukyu Golden Kings ng Japan B. League sa idinaos na official drawing of lots kahapon sa Shangri-La The Fort.

“Mabigat ang laban sa EASL,” sambit ni PBA Commissioner Willie Marcial sa walong koponang maaaring magparada ng tig-dalawang imports.

Ang sesegunda sa PBA Philippine Cup ang ipinasok sa Group B kasama ang KBL titlist na Seoul SK Knights, ang Japan B. League title-holder na Utsonomiya Brex at ang Bay Area Dragons ng Greater China.

Sa tournament format, ang walong koponan ay hahatiin sa dalawang grupo na may tig-apat na tropa at sasalang sa isang home-and-away games

Anim na laro ang sasabakan ng isang koponan sa kanyang grupo kung saan ang top two teams ang uusad sa semis na magdedetermina sa maglalaban sa finals para sa premyong $1 milyon.

EASL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with