^

PSN Palaro

TJ Titans wagi sa Leg 6 ng PBA 3x3

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maagang nakalayo ang Purefoods TJ Titans patungo sa 20-16 paggupo sa TNT Tropang Giga sa finals para pagharian ang Leg 6 ng PBA 3x3 Third Conference kahapon sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.

Humataw si Joseph E­riobu ng 11 points, kabilang ang isang two-point shot na nagbigay sa TJ Titans ng 20-14 abante sa huling 10 segundo, para talunin ang Tropang Giga.

May 4 points si Jed Mendoza habang may 3 at 2 markers sina Jun Bonsubre at Marvin Hayes, ayon sa pagkakasunod, para sa kanilang pagkopo ng Purefoods sa premyong P100,000.

Nakuntento sina Almond Vosotros, Samboy De Leon, Lervin Flores at Ping Exciminiano ng TNT sa P50,000 bilang second-placer.

Kinuha ng TJ Titans ang 8-2 lead mula sa 2-pointer ni Mendoza sa 7:31 minuto ng laro habang ang layup ni Hayes ang nagbaon sa Tropang Giga sa 15-8 sa huling 3:04 minuto.

Sa semis ay tinalo ng Purefoods ang Meralco, 19-17, at tinakasan ng TNT ang Limitless Appmasters, 18-16, para itakda ang kanilang championship game.

Samantala, ipinasok ni Dexter Maiquez ang game-winning fallaway jumper sa huling pitong segundo para sa 18-17 paglusot ng Meralco sa Limitless Appmasters sa agawan sa third place.

Ibinulsa ng Bolts ang premyong P30,000.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with