^

PSN Palaro

Pareja, Carcueva bumida sa road race

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pareja, Carcueva bumida sa road race
Nichol Pareja.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinamahalaan ni Nichol Pareja ang Elite class habang wagi ni Jonel Carcueva sa Under 23 ca­tegory sa men’s road race ng PhilCycling National Championships for Road 2022 sa Tagaytay City.

Tinapos ni Pareja ng 7-Eleven Roadbike Philippines ang 137-kilometer race sa loob ng tatlong oras, 19 minuto at 54 segundo sa karerang nagsi­mula at nagtapos sa Pra­ying Hands Monument.

Iniwanan ni Pareja ng 14 segundo ang kanyang teammate na si veteran Marcelo Felipe kasunod si Jhon Mark Camingao ng Philippine Navy-Standard Insurance.

Si Felipe ang nakasabay ni Pareja sa pag-akyat sa Sungay Road na naghihiwalay sa Talisay sa Batangas.

Ayon kay Pareja, pinagtuunan talaga niya ng pansin ang nasabing bahagi ng karera kung saan siya may nakitang bentahe sa nasabing karera na inorganisa ni PhilCycling at Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

Nagpasiklab din si Carcueva ng The Scratch It! bilang best rider sa Under 23 category bagama’t pumang-lima sa Elite class.

Nagsumite si Carcueva ng tiyempong 3:20:11.401 na halos 50 segundo ang layo kay Jericho Jay Lucero ng Go for Gold kasunod ang pumangatlong si Rench Michael Bondoc ng 7-Eleven.

NICHOL PAREJA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with