^

PSN Palaro

Blackwater sosyo na sa No. 2 spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blackwater sosyo na sa No. 2 spot
Pinasabog ng Bossing ang Terrafirma Dyip, 107-70, para sa kanilang ikalawang sunod na ratsada sa PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinong mag-aakala na makakasosyo ngayon ang Blackwater sa second place sa team standings matapos ang 29-game losing slump sa nakaraang PBA Season 46.

Pinasabog ng Bossing ang Terrafirma Dyip, 107-70, para sa kanilang ikalawang sunod na ratsada sa PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Katabla ng Blackwater sa No. 2 spot ang San Miguel at Meralco sa ilalim ng Barangay Ginebra (4-1).at kasunod ang nagdedepensang TNT Tropang Giga (4-2).

“We haven’t achieved anything yet. Next game is gonna be a tough game for us,” sabi ni coach Ariel Vanguardia na nakahugot kay rookie Ato Ular ng 16 points.

Nag-ambag si JVee Casio ng 14 markers habang may 12 at tig-11 markers sina Yousef Taha, Mark Dyke, James Sena at Barkley Ebona, ayon sa pagkakasunod.

Kumolekta si Joshua Munzon ng 17 points, 5 rebounds, 3 assists at 2 blocks sa panig ng Terrafirma (0-4).

Isang 18-4 atake ang ginawa ng Bossing sa se­cond period para ilista ang 41-27 kalamangan sa 5:56 minuto nito matapos makatabla ang Dyip sa 23-23.

Tinangay ng Blackwater ang 54-38 halftime lead patungo sa pagpoposte ng 76-54 bentahe sa Terrafirma galing sa tres ni Sena sa natitirang 47 segundo.

Itinarak ng Bossing ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 32 puntos, 100-68, buhat sa layup ni Mike Ayonayon sa huling 2:23 minuto ng final canto na sumelyo sa kanilang unang panalo sa limang beses na pagsagupa sa Dyip.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user