^

PSN Palaro

Gin Kings lider na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings lider na
Binangga ni Christian Standhardinger ng Ginebra si June Mar Fajado ng SMB para sa kanyang drive.

MANILA, Philippines — Ipinalasap ng Barangay Ginebra ang unang kabiguan ng San Miguel matapos kunin ang 75-72 panalo sa PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Humakot si Christian Standhardinger ng 20 points, 9 rebounds, 5 assists at 4 steals para sa pagsolo ng Gin Kings (4-1) sa liderato mula sa two-game winning streak.

“We didn’t give him much help at all, and he’s doing his job all along,” wika ni coach Tim Cone sa Fil-German center na nilimitahan si six-time PBA MVP June Mar Fajardo sa 6 points sa panig ng Beermen (3-1).

Nagdagdag si MVP Scottie Thompson ng 15 markers, 8 rebounds, 7 assists at 4 steals habang may 15 points din si Japeth Aguilar bukod sa 14 boards at 2 blocks.

Nalampasan ng Ginebra ang apat na triples ni San Miguel guard Simon Enciso sa fourth quarter, ang huli ay nagtabla sa kanila sa 70-70 sa 3:35 minuto.

Huling naagaw ng Beermen, nabaon sa 48-58 sa third period, ang bentahe sa 72-70 mula sa basket ni Moala Tautuaa sa 2:35 minuto ng final canto.

Ang slam dunk ni Aguilar at tirada ni Standhardinger ang nagbigay sa Gin Kings ng 74-72 abante sa huling 1:31 minuto.

Matapos ang split ni LA Tenorio para sa 75-72 kalamangan ng Ginebra sa huling 2.9 segundo ay tu­malbog ang tangkang tres ni SMB star CJ Perez sa pagtunog ng final buzzer.

 Sa unang laro, ku­molek­ta si Mark Barroca ng 21 points, 6 assists, 5 steals at 5 rebounds para sa 95-77 paggupo ng Magnolia sa Phoenix bagama’t wala sina injured guard Paul Lee at suspended forward Calvin Abueva.

“We just try to focus on our defense. We basically focus on our press break and our defensive scheme sa mga players,” ani coach Chito Victolero sa ikalawang dikit na panalo ng Hotshots (3-3).

Napigilan naman ang hangad na tatlong sunod na ratsada ng Fuel Masters (2-3).

Naglista si Javee Mocon ng 19 points, 6 boards at 2 assists para sa Fuel Masters.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with