^

PSN Palaro

Rivero tumawid sa Taiwanese League

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Rivero tumawid sa Taiwanese League
Ricci Rivero

MANILA, Philippines — Hindi sa Japan B.­League maglalaro si University of the Philippines star Ricci Rivero kundi sa P.League ng Taiwan.

Ito ay matapos pumirma si Rivero para sa Taoyuan Pilots sa 2022-23 season ng Taiwanese league.

Tatayo ang 6-foot-1 guard bilang kauna-una­hang world import sa P.League sa kanyang u­nang professional basket­ball stint

Kumpiyansa ang Tao­yuan, tumapos na may 7-22 record para sa sixth place sa nakaraang P.League season, na matutulungan sila ng 24-anyos na tubong Ilagan, Isabela.

Naging susi si Rivero sa paghahari ng UP Fighting Maroons sa nakaraang UAAP Season 84 matapos talunin ang Ateneo Blue Eagles sa Finals.

Humataw si Rivero ng mga averages na 13.78 points, 4.17 rebounds, 2.17 assists at 1.72 steals sa kanyang final collegiate season.

Samantala, mananatili si Kobe Paras sa Japan B.League matapos lumagda sa Division 2 squad Altiri Chiba.

“He is a player of exceptional physical ability and has extensive experience playing in the B1 level,” ani Altiri director Yoshihide Arai kay Paras na unang naglaro para sa Niigata Albirex BB sa nakalipas na 2021-22 season.

Nagtala si Paras ng mga averages na 8.2 points, 2.1 rebounds at 1.2 assists sa 49 games para sa Niigata.

RICCI RIVERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with