^

PSN Palaro

Lady Cardinals sumosyo sa No. 2 spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naitakas ng Mapua University ang pukpukang five-setter win laban sa University of Perpetual Help System Dalta, 20-25, 25-22, 25-23, 13-25, 15-12, kahapon sa NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Ito ag ikatlong panalo ng Lady Cardinals para umangat sa 3-1 rekord.

Sumalo ang Mapua sa No. 2 spot kasama ang defending champion Arellano University at San Sebastian College-Recoletos na parehong may 3-1 marka.

Naging matibay na sandalan ng Lady Cardinals si Nicole Ong sa opensa at depensa matapos humataw ng 21 puntos tampok ang 13 attacks.

Nagtala pa si Ong ng walong blocks para manduhan ang net defense ng kanilang tropa.

Matinding bakbakan ang nasilayan sa buong panahon ng laban partikular na sa fifth set.

Naitarak ng Lady Cardinals ang 10-6 kalamangan sa huling kanto ng laban ngunit hindi agad bumitiw ang Lady Altas nang maitabla nito ang iskor sa 10-all.

Subalit dalawang sunod na errors ang nagawa ng Perpetual Help na sinabayan ng atake nina Ong at Carla Gaudan para makalayo sa 14-11 tungo sa panalo.

Naputol naman ang winning run ng Lady Altas na bumagsak sa 2-2 marka.

Magpapatuloy ang aksyon ngayong araw tampok ang bakbakan ng Arellano at Jose Rizal University sa alas-2:30 ng hapon habang aariba din ang salpukan ng Lyceum of the Philippines at Colegio de San Juan de Letran sa alas-12 ng tanghali.

NCAA

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with