^

PSN Palaro

Netherlands umiskor sa Germany

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumangon ang Netherlands mula sa opening set loss para igupo ang Germany, 22-25, 31-29, 25-23, 25-16, sa men’s division ng Volleyball Nations League Week 2 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nanatili ang mga Dutch sa sixth spot sa kanilang 4-3 record mula sa 12 points.

Kumamada si team captain Nimir Abdel-Aziz ng 31 points galing sa 25 kills, 3 blocks at 3 aces para banderahan ang Netherlands laban sa Germany.

Ang national team member ang nanguna sa pagbabalik ng kanyang koponan sa second set nang humataw ng back-to-back aces.

Ang dalawang sunod na down-the-line spikes ni Nimir ang bumasag sa 23-23 pagkakatabla habang ang kanyang back row attack ang sumelyo sa panalo ng Dutch squad.

Nagdagdag si Gijs Jorna ng 11 points mula sa 10 kills habang may 10 markers si Bennie Tuinstra Junior sa torneong iniha­handog ng PLDT katuwang ang The STAR, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Maynilad, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with