^

PSN Palaro

Kai makapasok kaya?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kai makapasok kaya?
Kai Sotto.
STAR/ File

NBA Draft lalarga ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaalam na nga­yong araw kung makakapasok si Kai Sotto sa NBA sa paglarga ng NBA Annual Rookie Draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Excited na ang 7-foot-3 Pinoy cager sa kahihinatnan ng draft kung saan nais nitong gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang pure Pinoy na makakapasok sa NBA.

Iginiit ni Sotto na hindi lamang ito ang kanyang pangarap kundi pangarap ng buong sambayanan kaya’t malaki ang pasasalamat nito sa mainit na suporta sa kanya ng mga Pinoy fans.

“Now I’m getting closer to my dream, to our dream. I’m really thankful for all their support,” ani Sotto.

Kung papalaring makapasok sa NBA, nangako si Sotto na magiging instrumento ito upang matulu­ngan ang iba pang Pinoy players na makapasok din sa liga.

“If I make it to the NBA I’ll be the first Filipino and my dream is to help others to get here too,” dagdag ni Sotto.

Naniniwala si Sotto na magagamit nito ang mga natutunan sa Australia National Basketball League kasama ang Adelaide 36ers.

“It (playing in the NBL) really helped me a lot. just the experience, just hanging around with the guys and learning from everybody starting from my staff, teammates and to my coaches, my opponents,” kuwento pa ni Sotto.

Maliban sa height, ang malalim na basketball IQ ang isa sa pangunahing magiging sandata ni Sotto para makasabay sa matitikas na players sa NBA.

“I am skilled seven-foo­ter that can shoot from the outside. I’m a pretty good passer with high basketball IQ,” aniya.

Bago ang draft, sumalang sa workouts si Sotto sa iba’t ibang teams gaya ng Indiana Pacers, Orlando Magic, Atlanta Hawks, New York Knicks, Chicago Bulls, Cleveland Cavaliers at Sacramento Kings.

BROOKLYN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with