^

PSN Palaro

Black hataw sa Meralco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Black hataw sa Meralco
Aaron Black.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mula umpisa hanggang sa katapusan ay kinontrol ng Meralco ang laro.

Kumolekta si guard Aaron Black ng 20 points, 7 assists at 5 rebounds para pamunuan ang Bolts sa 97-87 pagkuryente sa NorthPort Batang Pier sa PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagdagdag sina Allein Maliksi at Chris Banchero ng tig-16 markers habang may 11 points si Reynel Hugnatan para sa pagsos­yo ng Meralco sa Barangay Ginebra sa second place bitbit ang 3-1 baraha.

“We just want to bounce back from our loss to Talk ‘N Text,” ani coach Norman Black sa kanilang 71-78 kabiguan sa nagdedepensang TNT Tropang Giga noong Sabado. “I thought we played pretty good defense but our offense was really off.”

Humakot si Jamie Ma­lonzo ng 21 points, 8 rebounds, 5 assists at 2 blocks para sa ikatlong dikit na kamalasan ng NorthPort makaraan ang 2-0 panimula.

Matapos ilista ang 32-22 bentahe sa first quarter ay humarurot ang Bolts sa third period para itayo ang 26-point lead, 66-40, mula sa floater ni Hugnatan sa 8:37 minuto nito.

Ipinoste nila ang pinakamalaking kalama­ngan sa 27 puntos, 88-61, galing sa basket ni center Noy Baclao sa 9:37 minuto ng fourth canto.

Bumangon naman ang Batang Pier sa inilunsad na 19-4 atake para makalapit sa 80-92 agwat tampok ang slam dunk ni Malonzo sa 4:09 minuto ng bakbakan.

Tuluyan nang sinelyuhan ni Black ang panalo ng Meralco matapos isalpak ang isang three-point shot at putback para muling makalayo sa 97-80 sa hu­ling 2:09 minuto.

Nag-ambag si Robert Bolick ng 15 points at 7 assists para sa NorthPort.

MERALCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with