^

PSN Palaro

Abueva sinampolan ng PBA

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, hindi pinalampas ng PBA Commissioner’s Office ang inasal ni Magnolia forward Calvin Abueva matapos mapatalsik sa fourth quarter ng kanilang laro ng Barangay Ginebra noong Linggo.

Multang P10,000 at one-game suspension ang ipinataw ng PBA kay Abueva kahapon.

Tinawagan si Abueva ng ikalawa niyang technical foul at nasibak sa laro matapos banggain si Gin Kings guard Nards Pinto sa 9:15 minuto ng fourth period sa 89-84 panalo ng Hotshots.

Hindi na niya tinapos ang laro at lumabas ng MOA Arena kasabay ng pagsigaw ng “Japan, Japan, Bye PBA”.

Samantala, pipilitin ng Ginebra na makabangon mula sa nasabing kabiguan sa pagsagupa sa NLEX ngayong sa alas-6 ng gabi matapos ang laro ng Converge at Terrafirma sa alas-3 ng hapon sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Aminado si coach Tim Cone na nabigo ang Ginebra (2-1) na makipagsabayan sa Magnolia (2-3) na nagresulta sa kanilang pagsuko.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with